December 31, 2014

Roller coaster: 2014

[FILIPINO POST]

Naging isang mahabang roller coaster ride ang 2014. Pero gaya ng maraming rides sa amusement park, siyempre, ang katotohanan, feeling mo maikli lang talaga ito. Ang daming ikot doon, paliko, taas, baba, bagsak-- ang daming nangyari pero sa dami ng feelings na naramdaman mo habang nakasakay sa roller coaster, e malamang feeling mo dumaan lang saglit ang panahon. 


Pero hindi naman magiging isang awesome na roller coaster ride ang isang roller coaster ride kung wala kang mga nakasama sa roller coaster ride na iyon. Imbes na balikan lang ang mga pinakamasasayang alaala, siguro, kailangan ko rin pasalamatan ang mga nakasama ko sa roller coaster ride na 2014. 

Una, si inay at itay, ang mga rason kung bakit hindi ako sumusuko. Ang rason kung bakit lagi akong taas noong lumalaban sa mga pagsubok. 

Pangalawa, ang aking mga tinaguriang boyfriend, ang barkada ko: Nic, Gel, Eliza, Tigs, at Marts. Nabuhay ako sa suporta at pagkalinga ng limang ito. Hindi ko alam kung ano ako kung hindi sila ang mga gumabay sa akin. 

Siyempre, hindi mawawala si Dan at Jp, ang dalawang lalaki ng buhay ko. Chos. Ang dalawang ito rin ay nananatiling mga rason kung bakit kahit pa ang daming humihila sa akin paatras sa pagsubok, lagi pa rin akong lumalabang nakangiti. Salamat sa kanila, masaya ako at may nasasandalan ako pag malungkot. 

Sa unang prod team, lalong lalo na sa pinakamamahal kong soulmate/partner/prinsesa/maramipadikonamaalalayungiba, Criz, salamat sa pagtitiwala niyo sa akin. Salamat dahil binigyan niyo ako ng tiwala at kumpiyansa sa binigay sa akin ng Diyos na talento. Salamat dahil pinakita niyong kaya kong magpasaya, magbigay inspirasyon, at matuto pa. Iba kayo at di ko kayo malilimutan. 

Hindi ko na maisasama at masasabi ang iba pang dahilan para sa marami pang iba. Hindi lang sila ang nagpasaya, nagpaganda, at nagpatibay sa 2014 ko. Pero alam na siguro nila yun, kung dapat nga ba ay kasama sila sa listahang ito. Hindi naman mapapantayan ng matatamis kong salamat ang kanilang mga nagawa para sa akin sa taong ito. 

Tapos, salamat din sa mga ito:
Unang instrumento, Parangal sa pagsulat ng script, biyaheng Hong Kong, Pagtatapos sa High School, Pagtanggap sa Unibersidad ng Pilipinas, Rapelling sa Bulacan


 Pagkaing kakaiba kasamang mga pinakamatalik na kaibigan, nakakamatay na babasahin, mga regalo para sa ika-17 na kaarawan, bagong mga kaibigan, pagkaing mula sa Tagaytay, ngiting pasko

Sayong nagbabasa nito, maraming salamat. Nawa'y maging masaya ang salubong mo sa 2015! :)

-Mic